Total Pageviews

Monday, February 28, 2022

#SuperSeniorAdulting101



Task: Cancellation/Release of Mortgage

Hanap ng parking sa kalsada 🤣🤣🤣 pagdating sa building, ituturo ka ng guard sa kabilang side para magpanumber. Kaya kung galing ka na sa kabila nung una, mga 2x ka tatawid sa J.P. Rizal St. 🚦🚸

Pagdating mo sa tent, eto na ang Step 1. Get a number. Kung malas-malas kang late dumating, sa bandang likod makakatabi mo ang mga manok at bibe 🐓🦆 sa tent. Mabilis naman, isa nga lang ang processor...kung dalawa sila, siguro mas mabilis. Nakakalibang naman kasi may naliligo pang mama sa tabi, sige sarap ng buhos ng tabo 🛀 if complete ang docs (syempre nagresearch na ko sa website ng LRA no, kaya minus one form na ko 💪), bigyan ka ng number at dalawa pang forms. Then tawid ka na uli.

Step 2. Ipakita ang number and accomplished forms sa guard. Intaying tawagin ka. Lumayo sa maiingay mag-usap. Kasi di mo maririnig pag tinawag ka na. May monoblock chairs naman at tent uli.

Step 3. Pag tinawag ka na, submit sa RIO officer lahat ng papeles. Then labas ka na uli, tatawagin ka na lang daw uli. (First case nilang Release of Mortgage daw ako for the day, yes naririnig ko usapan nila, and of all towns/cities in Laguna, nagulat sila na San Pedro. Bakit kaya 🤔 magulo raw sa San Pedro. Wait, what?!!

Step 4. PAMELA! Ayun, akyat daw ako at hanapin si Eugene.
May pinapirmahan. (Kayo po nagpanotaryo? Pakicheck po kung tama yung details.
D ko na po titignan yung pinanotaryo kasi kabisado ko na po - Doc No, Page No, Book No, Series of sa kakatitig ko. Pipirma na po ako. Natawa si Sir Eugene). 📃

Step 5. Pay sa cashier 💰💵💰

Step 6. Balik kay Sir Eugene sa Window 2 for the receipt. Then bibigyan ka ng instructions kung kelan, saan, paano, ano at sino (dinagdag ko lang ito 4W and 1H bilang ako ay isang journalism major 🤣). Please claim registered documents in a month. Yes, March 28 po. If you want to track it, may QR code. O ha.

A little over two hours transacting and waiting time, pwede na rin. Good job, RD Calamba. Pero sana bigyan naman tayo ng maganda-gandang waiting lounge. Dito wala ring senior or PWD lane, lahat pantay lang. Walang mayaman 🤣 ako lang yata may dalang electric fan 🤣 di bale, akin na akin na po ang #9 L. Santos Street ☝ #talesofthegoodgirl

P.S. thank you sa boss ko na pinayagan ako magleave and for our HR sa documents 🙏