Total Pageviews

Wednesday, July 29, 2009

OMG (Oh My Girl)

Rating:★★★
Category:Movies
Genre: Comedy
Walang magawa at halos napanuod na namin lahat ng now showing, watch kami ni Cae ng OMG kanina.

Walang ginawa kundi tumawa. Mababaw lang naman ang kaligayahan naming mag-ina.

Walang inalala na related sa trabaho at laman ng wallet. Buti na lang, nilibang ako nina Dick and Carmi. Abot yata sa kabilang building ang tawa ko.

Walang bahid-panghihinayang sa 260pesos na binayad ko. Dahil ako'y isang tunay na Kapuso at ito'y aking suporta sa paborito kong si Ogie, hindi ako nanghinayang.

Walang sinabi ang ibang pelikula sa dami ng artistang nag-special appearance. Pati si Mega at Songbird, andun. Saan ka pa?

Wala lang.

No comments:

Post a Comment

Let me know your thoughts. Good Vibes ♥