Total Pageviews

Wednesday, April 29, 2020

#CoviDiaries

Took us more than half a year to wait for Part 4. Shorter para sa mga bagong salta. I was trying to hold back, watching the first 4 episodes first, then stopped as I wanted to hold on to it. Savor it, enjoy it...longer. Ang tagal mo inintay tapos uubusin mo agad. Kaya nagpabukas pa ako.
There were SPOILERS already from FB, wtf. Wala man lang warning. Insensitive jerks 😩😩😩 Akala ninyo bumibida or sumisikat kayo by doing that. But from experience, mas madalas, yung mga gumagawa nito, yung mga wagon hitchers. Baka mababa EQ. Hindi porke 55 o 60 inches TV mo eh ok nang gawin yun. I-pronounce mo munang mabuti ang HEIST. Tse 🤣🤣🤣
But spoiler alert or not, next to The Professor, my go-to guy is Marseille. Lintek, daming languages na alam. Hindi ka pa iiwan until you have come to your senses. May respeto sa leader. Animal lover. May prinsipyo. Efficient. On time and on point. Reminds you to be on track, review the plan, stick to the mission. We all need a Marseille in our project teams. I want! For the win! Pag nakasali nga pala ako, ako si Havana. Havana oooh la la 😆😆😆
Salamat po sa Barangay Chrysanthemum sa pagbahay-bahay at God bless po sa beneficiary ng aming waived relief goods.
At dahil hindi pa rin ako magpo-post ng Sunday lunch namin, PM ninyo na lang ako or visit my IG kung gusto ninyo malaman kung ano niluto ko. At pasensya na rin po, you may tag me (no problem, thank you for remembering me) pero hindi po ako makiki-challenge 
Blessed Palm Sunday to all | Cooking (and Life) Lessons from #talesofthegoodgirl

Sunday, April 26, 2020

#CoviDiaries

Sunday na naman. Wehhhh di nga??? Happy Fiesta to Chrysanthemum Village...it's the Feast of our Mother of Good Counsel. Tahimik ang villagers, bawal lumabas pag Linggo. Usually pag ganitong oras kabi-kabila na ang videokehan! 🎤🎵🎶🎙 salamat at tayo'y nagkasamang muliiiiiii salamaaaaattttt 🎤🎶🎵🎙
Had our hair cut yesterday. Thanks to Richard, our resident unisex stylist na may pa-home service. 💇‍♀️ 💇‍♂️
Sa mga suki kong online sellers and riders, hindi kami magugutom sampu ng villagers dahil sa sipag ninyo. 💪💪💪
Sa mga colleagues/ka-opisina ko, stay healthy. Alam ko marami nang stressed out, burned out, high blood, malapit na bumigay. Lagi po sana natin tandaan: ang WFH po ay hindi 24/7  break-break din  inuman sa kitakits, pramis!
In the same breath, kaway-kaway sa mga LDR diyan. Relationships are put to a test. But love, in this time of corona, should survive. Hold on to the hope that you will be together again soon, and that nothing has changed. If love is true and real, it gets stronger with time. Awwwww 💕💕💕
A Blessed Sunday to all | Visit my IG for cooking (and life) lessons from #talesofthegoodgirl

Sunday, April 19, 2020

#CoviDiaries

So my son's school finally announced that the SY officially ends on May 4, 2020. Ganun-ganun na lang. Babay, tuition 💸💸💸 Glad though that I did not avail of the early enrolment.
Been paying our bills online. Mahirap pag magpatong-patong. If you have the capacity to pay as they fall due, please do. At wag na umasa na iwe-waive ni Meralco ang charges. Subject to abuse rin kasi yan. Gumamit ka ng kuryente, you need to pay. Extension lang ang ibibigay, pero bayad ka pa rin.
Missing our fam's Saturday/weekly date...one good thing that came out of it though was natuto na rin mag-grocery si Alex 🤣🤣🤣 before, kahit kasama namin yan, tagatulak ng cart lang yan, dedma 🤣🤣🤣 pag wala ako, kailangan kasama si Caehl. Or sina Ev na lang. Ngayon, pasado na. After 27 years 🏅🏅🏅 downside, alam na nya lahat ng ATM PINs ko 🤑🤑🤑
Lunes na bukas. If I thought WFH was easy, noon yun. Di na ngayon. Kaya pala dati, sinasabi na ang trabaho ay dapat sa opisina lang at hindi inuuwi sa bahay. Dahil ang mga bagay-bagay ay may kanya-kanyang lugar.
A Blessed Sunday to all (late na hahaha) | Visit my IG for cooking (and life) lessons from #talesofthegoodgirl

Saturday, April 18, 2020

#CoviDiaries

Pasensya na po, first time ko po uli makalabas after a loooong time. Had to make an ATM run, naubos na po cash ko sa kakapadeliver 😄😄😄
Tama pala sila, iba ang excitement pag nakakita ka na uli ng mga tao at activities. Bawal mag-judge, schedule po ng Barangay namin lumabas. At nasa loob lang po ang Donya. Peace I would like to congratulate my husband at pasado na, after 27 years, bilang official Grocery and Errands Guy 🏆🏆🏆pati personal effects at pangkilay ko, tama ang nabili! Corrected by  #talesofthegoodgirl

Sunday, April 12, 2020

#CoviDiaries

Two things na nakikita ko ngayon na dati hindi:
1. How my son participates sa class (altho online nga lang) and how he does his home work, projects. Dati kasi, pag-uwi ko, pipirmahan ko na lang diary niya. May pagkaOC at perfectionist, kaya madalas mafrustrate pag hindi pumapasa sa standards niya ang output niya. Naiinis agad. Ayaw ng paulit ulit. Isang basa lang, isang pasada ok na.
2. How my daughter works. Patient, magaling magexplain (in English, kasi outside the country ang clients nya), altho dati ko nang alam na masipag ang anak ko magtrabaho. Hindi pala-absent. Kahit may nararamdaman, hindi ginagawang excuse para mag-sick leave. Or magimbento ng dahilan para umabsent. Which I can't say for some millennials.
Masaya ako na may similarities ang mga anak ko sa akin in more ways than one when it comes to studying and working.
Which leads me to say na itong ECQ and WFH, naging daan para lalo mong makilala mga tao sa paligid mo - mga government officials at leaders natin; mga kabarangay; colleagues / co-workers; family; friends. Kumbaga, if you're in a relationship and first time ninyo na ganito ang situation, I guess malalaman mo kung talagang nagmamahalan kayo o nagbobolahan lang. Tama ba na minahal mo siya? At dapat bang mahalin mo pa rin siya hahaha yung character, values, work ethics nila, after almost a month, litaw na litaw. Sad to say, may mga hindi pumasa. Yung iba, alam kong sablay pero lalong nareinforce ang feeling ko. Lalong nakakadisappoint. Yung iba, pasang awa. Pero in fairness, bumilib ako sa iba, hindi ako nabigo 😁😁😁
As promised, no posting of food muna. Hindi ako nainform na may pacontest ang FB 🤣🤣🤣 kanya-kanyang paandar sa kusina! Master Chef lahat! Kaya ito na lang, mga librong binabasa ko uli, from my beloved Lawrence Sanders...at dahil purnada ang Easter Egg Hunt, Kinder Joy na lang muna para sa minis.
Maligayang Pasko ng Pagkabahay, este Pagkabuhay! God bless us all! Cooking (and Life Lessons) from #talesofthegoodgirl