Two things na nakikita ko ngayon na dati hindi:
1. How my son participates sa class (altho online nga lang) and how he does his home work, projects. Dati kasi, pag-uwi ko, pipirmahan ko na lang diary niya. May pagkaOC at perfectionist, kaya madalas mafrustrate pag hindi pumapasa sa standards niya ang output niya. Naiinis agad. Ayaw ng paulit ulit. Isang basa lang, isang pasada ok na.
2. How my daughter works. Patient, magaling magexplain (in English, kasi outside the country ang clients nya), altho dati ko nang alam na masipag ang anak ko magtrabaho. Hindi pala-absent. Kahit may nararamdaman, hindi ginagawang excuse para mag-sick leave. Or magimbento ng dahilan para umabsent. Which I can't say for some millennials.
Masaya ako na may similarities ang mga anak ko sa akin in more ways than one when it comes to studying and working.
Which leads me to say na itong ECQ and WFH, naging daan para lalo mong makilala mga tao sa paligid mo - mga government officials at leaders natin; mga kabarangay; colleagues / co-workers; family; friends. Kumbaga, if you're in a relationship and first time ninyo na ganito ang situation, I guess malalaman mo kung talagang nagmamahalan kayo o nagbobolahan lang. Tama ba na minahal mo siya? At dapat bang mahalin mo pa rin siya hahaha yung character, values, work ethics nila, after almost a month, litaw na litaw. Sad to say, may mga hindi pumasa. Yung iba, alam kong sablay pero lalong nareinforce ang feeling ko. Lalong nakakadisappoint. Yung iba, pasang awa. Pero in fairness, bumilib ako sa iba, hindi ako nabigo 😁😁😁
As promised, no posting of food muna. Hindi ako nainform na may pacontest ang FB 🤣🤣🤣 kanya-kanyang paandar sa kusina! Master Chef lahat! Kaya ito na lang, mga librong binabasa ko uli, from my beloved Lawrence Sanders...at dahil purnada ang Easter Egg Hunt, Kinder Joy na lang muna para sa minis.
Maligayang Pasko ng Pagkabahay, este Pagkabuhay! God bless us all! Cooking (and Life Lessons) from #talesofthegoodgirl
No comments:
Post a Comment
Let me know your thoughts. Good Vibes ♥