#KingTheLand signing off
Always, after a drama series ends, andyan si #SepAnx.
Inasmuch as I hate to compare, but #KingTheLand gives me the CLOY vibe. Hayyy yung you are wishing na sana magkatuluyan sila IRL. I used to ship #LimYoona with #LeeJongSuk (pero wala, hopeless na pala nung time nila sa #BigMouth) or sabi ko nun, kahit sino sa mga Oppa ko sana would end up with her, sa sobrang gusto ko sya.
As a #Taecyeon fan, hindi ko actually napapansin si #LeeJunHo hahahaha or siguro intentionally, kasi alam kong mapopogian ako sa kanya and madadagdagan na naman mga Oppas, mahirap sa puso LOL Pero ha, ang mga 2PM talaga, kakaiba ang arrival area. Masculine, ganda ng mga katawan. Arrrgghhhhh 😘😘😘
And together, they really do make a beautiful pair.
Yung maturity ng character ni #SaRang – yun ang gusto ko eh. Kasi hindi na benta sa akin yung mga drama na kapag You and Me against the world ang peg, yung ayaw ng family or parents sa isa, lalayo yung girl, hindi magsasabi sa guy, hindi magpapakita hanggang they lost precious time na dapat magkasama sila. Clueless yung isa kung ano nangyari. Eto kasi, mga external forces na lang talaga ang kalaban. Silang dalawa, alam mo na wala na tayo magagawa pa. Hindi na nila pinapatagal yung issues sa relationship nila, kaya smooth-sailing. They know what they want, and they are matured enough na manindigan sa kung anong gusto nila. Wala na yung mga break-break na tayo ek ek. Basta, we will work this out. Ayun.
Mga eksenang pinaiyak ako ❣️SPOILER ALERT❣️:
1. Nagdecide si HwaRan (played by #KimSunYoung na not to be confused with the other #KimSunYoung na ajumma of the year) na hindi na sila magkakahiwalay ng son nya
2. Nameet ni PyeongHwa (#GoWonHee of #StrongestDeliveryman) ang mom ni Green Flag RoWoon (#KimJaeWon #OurBlues) for the first time
3. Nagpaalam sila kay halmeoni (#KimYoungOk na lola of the year) na magpapakasal na sila
4. Finally, Won proposed to SaRang. Na naghintay sya ng tamang timing, at hindi niya ipinilit ung unang plano / attempt niya
Yung mga heartwarming elements ng drama:
1. Loyalty ng friends nilang dalawa – for Won, si Mr. No (#AnSeHa); for SaRang, DaEul (#KimGaEun) and PyeongHwa – iba talaga pag may support system ang mga leads
2. May sariling isip at decisions yung abeoji ni Won, yung hindi lang basta nagpapadala sa kontrabidang si HwaRan.
3. Na namana yata ni Won, kasi may sariling isip at decisions din siya at hindi basta nagpapadala sa traditions or chaebol family ek ek
4. Yun na nga, yung emotional maturity ni SaRang kaya nagwork out ang relationship nila
5. Character dev - Either their minds have been opened. Or their hearts have been broken. People change, people grow...Hopefully kinder. Hopefully for the better.
6. Won's goal to improve employee benefits / condition. As a retired employee, ramdam ko ito. Lalo na yung na-snob ka sa promotion kahit anong tumbling mo pa 🤸♀️. Aruy ko!!! 🤣
Catch #KingTheLand at #Netflix.
#BuhayKPam
No comments:
Post a Comment
Let me know your thoughts. Good Vibes ♥