Total Pageviews

Wednesday, September 20, 2023

The Uncanny Counter Seasons 1 & 2 signing off

"You know, hope is a cruel monster. But that's what drives us to keep fighting.”

Alam ninyo yung naghahanap kayo ng mapapanuod sa Netflix, scroll scroll tapos may laging lumalabas sa feed mo, pero hindi mo pinapansin. You look at the synopsis, parang hindi mo type. Lalo na kung gusto mo lang ng light, yung rom-com, hindi ka stressed sa kontrabida, and above all, may Oppa. 

Ganyan ang love affair ko with #TheUncannyCounter. “Demon hunters pose as workers in a noodle shop in an effort to catch evil spirits hoping to find eternal life.” Yan ang description kung ano ang Counters. 

Naku, parang ma-stress yata ako dito, I thought before. Sa zombies nga, napapagod ako eh hehehe kahit eto ung mga gusto kong panuorin minsan – suspense, mystery, action-thriller, supernatural, yan ganyan. Maiba lang ba. Gusto ko rin yung walang Papa-ble na lead, para hindi na nadadagdagan mga Oppa ko, utang na loob LOL 

I actually got curious with #Season2CounterPunch kasi trending yung mga villains/kontrabida. Yung mabait na si #KangKiYoung sa #ExtraordinaryAttorneyWoo (as grrrrrr #HwangPilGwang) eh dito talagang isusumpa mo ang kasamaan) and #TheGlory’s #KimHieora as grrrrrr #GelliChoi na gusto mong ipakagat sa gabundok na langgam sa pagka-salbahe. Season 2 already ended and lumabas na nga ang bullying scandal ni Hieora.

Sabi ko, naku, paano ba ito, dalawang seasons ang kailangang bunuin, syempre you have to watch Season 1 first. Sige habulin natin. Kahit na sabay-sabay na pinapanuod ko (#Moving #BehindYourTouch #DestinedWithYou #ATimeCalledYou). 

And I didn’t expect na maiinlove ako sa series na ito. Kahit wala akong favorite sa mga leads. Pag na-hook ako despite that, wala na, surrender na ko. Although si Ms. Chu (played by the very versatile #YumHyeRan of #TheGlory #MaskGirl, pwedeng mabait na ahjumma, pwedeng kontrabida), eh given na yan. At kung may award for the cast / ensemble, bigyan ko sila for chemistry.
Season 1 
#JoByeongKyu as #SoMun (#HotStoveLeague, 1st time ko sya mapanuod)
#YuJunSang as #GaMoTak (#AlchemyofSouls, ang abs ni ahjussi ha!)
#KimSeJeong as #DoHaNa (#BusinessProposal)
#AhnSukHwan as #ChoiJangMul (#RooftopPrince)
#LeeHongNae as #JiCheongShin (#DrRomantic, ang abs din ha! Infer)
Season 2
#YooInSoo as #NaJeokBong (siya yung hate natin sa #AllOfUsAreDead)
#JinSeonKyu as #MaJuSeok (#ConfidentialAssignment2International, hanapin nyo rin sya sa #KingTheLand and #Vincenzo)

As the series dealt with life, death and afterlife, may mga buhos-luha scenes talaga, hindi mo mapigilan. Sabi nga ni Mun, there is a thin line between life and death. “I know how it feels to lose your family in the blink of an eye. They’re here one moment. And then all of a sudden, they disappear.” Tama ba yung recall ko hehe basta parang ganun. Reminds you that life is short, na dapat you cherish every moment with your loved ones, sabihan mo sila na mahal mo sila. 

May mga “Huh” and “Hmp” moments, may dragging scenes lalo na sa Season 2, you just have to suspend your disbelief, ika nga to enjoy watching hehehe Buti na lang din hindi na nila inistretch and ginawang 12 eps lang.

And as a birthday gift to myself, I bought a cherry red track jacket like theirs. Love it!

#TheUncannyCounter streams in #Netflix, habol na!

#BuhayKPam









No comments:

Post a Comment

Let me know your thoughts. Good Vibes ♥